(via kissmycigarettes)
(via kissmycigarettes)
May mga bagay noon na hinihiling ko na sana ganun pa rin hanggang ngayon. Sana kasing dali nalang ang pagkikita natin katulad noon. Sana ganun kadali nalang magcut sa mga subjects mo kasi sabi mo ang hirap kong iwanan. Pero hindi maiiwasan na may magbago. Tumatanda na tayo at nagbabago ang mga responsibilidad natin. Pero sana sa pagtagal, kahit gaano man kadaming nakatambak na responsibilidad sa harap natin, pagtapos ng araw, sa isa’t-isa pa rin ang babagsakan natin.
(Source: prettylittlemayhem)
Puppy Love?
Mga elementary days love, mga highschool love. Yung mga yun daw ay mga puppy love lamang. Nakakatuwa nga naman dahil sa murang edad pa lamang ay nararanasan na nating magmahal. Nararanasan kiligin. At sa murang edad pa lamang ay natututo na tayong magselos dahil sa mga naging crush natin.
Marami ang akala nila true love na. Hindi nila alam na puppy love lang din pala ang relasyon nila. Kaya may mga taong masasaktan. Tapos kapag nahanap mo na ang true love tska mo pagtatawanan ang sarili mo na puppy love lang pala yung una mong naranasan.
Nakakatuwa na kahit alam mong imposible itutuloy mo pa rin, dahil sa pantasyang bumubuo sa iyong isipan. Pantasya na gusto mo ikaw ang bida sa kaharian, dadalhin ang iyong prinsipe/prinsesa. Sa pag-ibig na walang hanggan.
Enjoyin lang ang pagmamahal, wala naman sa edad yan, hindi laging masaya kapag sinabi mong pag-ibig, dahil nga sa bata pa ang ilan sa atin kapag nagmamahal, nakakagawa sila ng mga desisyon at may mga katanungan sila na hindi pa nila masasagot sa murang edad. Napakamahiwaga ng pag-ibig. Sobrang mahiwaga.
It has been three years since The Eraserheads gave us their final set. Three years after their record breaking concert. Three years since they formally bid us goodbye. Three years after their last bow. Three years after their last concert, and probably indeed their last.
Perhaps, this is…
Oo!! Mahal ka nga!! Pero hanggang kaibigan lang! Oo, kapag naghintay ka at hindi nagpadalos dalos. Uunahan ka ng iba! At kapag naman binigla mo eh sasabihin padalos dalos ka. Wala kang pagpipilian. Patuloy ka na lang pahihirapan ng damdamin mong sumasabog sa gigil at sabik sa kanya. Wala kang magawa kundi respetuhin na lang ang lahat ng desisyon niya.
Wala ka kasing magawa eh. Ikaw kasi yung nagmamahal. Ikaw yung nakikisama. Ikaw yung humihingi ng tiyansang mapamahal siya dahil sa nagmamahal ka.
(Source: matabangutak, via matabangutak)